Wednesday, June 1, 2005

Ano ba ang ibig sabihin ng boylet?

(galing kay cecile.)

Tanong yan sa akin ng isang boylet. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng 'boylet'? Pero kung talagang pag-iisipan, mahirap ma-define ang boylet. Ito ba'y dahil sa age? Sa maturity? Sa height? Sa looks? Ang boylet, kailangang bata, or at least, ka-age mo.Kasi pag mas matanda ng ilang taon, hindi na boylet yon, tander-cat na. As in tanders. Tanders from matanda--matanders--tanders--tander-cat (origin-thundercat). Grabe ang evolution ng mga salita, di ba?

Dapat din daw, ang boylet, hindi mo boyfriend, pero hindi lang din friend. So, ibig sabihin, napakalalim ng kahulugan ng "-let" sa suffix sa boylet. Biro mo, ang "-let" ang nag-define ng isang relasyon na mas malalim, at malamang mas intimate sa friendship, pero less committed at non-exclusive kung ikukumpara sa boyfriend. Tsk, tatlong letra lang yan, pero it makes a world of difference. Kaya ang isang boy, para maging boylet, kailangang maging isang tao na kayang tumawid sa pagitan ng pagiging isang boyfriend o lover at isang kaibigan.

So pwede din ba gamitin ang "-let" sa mga tander-cats? Hmmm...parang masagwa--tander-lets? Tander-cat-lets? Kasi naman pag tander-cats, mas malamang na naghahanap ng isang relasyon na hindi passing fancy lang. Pero hindi yan generalization, okay? Madami pa din namang mga tander-cats na isip-boylet. So, anong tawag natin sa kanila? Closet-boylets?

Ano pa ang distinguishing factor ng isang boylet? Sabi ng isang kaibigan na nagkaroon na ng relasyon mula sa both ends of the continuum--from the youngest of boylets to super tander-cats, ang boylet, fling lang daw. Kapag naging seryoso ang relasyon o "arrangement" sa isang boylet, pwede nang tanggalin ang suffix na "-let" at palitan ng salitang "friend". But it is not necessarily true na promotion sa boylet ang pagiging boyfriend. Isipin mo yon, pag may boyfriend ka na, bawal na ang mga boylets. Eh kung puro boylets lang, walang hassles, walang guilt involved, kasi nga, ang "-let" ang sasalba sa iyo. Ang "-let" ang nagsasabi na hindi naman kayo exclusive sa isa't-isa. Ang galing talaga ng "-let"! Pwede din kaya itong gamitin sa ibang salita? Halimbawa, kung itatanong sa iyo ng jowa mo, "Do you love me?" Ang problema, hindi ka sigurado kung anong isasagot. Isipin mo, pag sinabi mong 'yes', sangkatutak na exclusivity na yan. Pag naman 'no', aba, eh, baka mag-isip ang jowa mo at iwan ka. So, pwede bang "yes-let" ang isagot? Ang "-let" na lang uli ang bahala to fill in the gaps. Ibig sabihin pag 'yes-let', oo, love kita ngayon, pero may possibility na bawiin ko in the future. O kaya naman, oo, love naman kita, pero pwede pa ba akong humirit ng one last boylet?

Boylet... boy na maliit o cute? Di ba't ang ibig sabihin ng suffix na "-let" at cute o naman kaya'y maliit? Parang islet, maliit na island; booklet, maigsi o manipis na compilation ng materials. Hindi naman kasi magandang pakinggan kung tatawagin silang mini-boys. Mas maganda at endearing nga ang tunog ng boylet, parang honeylet.

Pero pano naman pala ang tawag sa girl version ng mga boylet? Girlet? Parang hindi akma. Mas maganda siguro kung girlash. Pero hindi nito ganap na mailalarawan kung ano ang essence ng pagiging quasi-gf, semi-friend. So, in short, sa mga boys lang pwedeng magkaroon ng suffix na "-let", ganon ba yon? Baka naman kasi ibang suffix ang angkop sa mga girls.

Kung ikaw ang mamimili, ano ang mas gusto mo, isang boylet na nagpapaka-tanders, o isang tander-cat na nagpapaka-boylet? Magulong isipin, pero ang isang boylet na nagpapaka-tandercat ay yung tipong pa-mature effect. Ang dami kunwaring angst sa buhay, pinapalaki ang pinakamaliit na issue - para nga naman makasabay sya sa lahat ng angst ng nakakatandang babae. Insecurity siguro ng mga boylet, o maaari rin namang mature na talaga, pero hindi natin malalaman, unless, gusto mong makilala ng masinsinan ang boylet mo. Ang mga tandercats naman na nagpapaka-boylet ay yung mga feeling groovy at w-a-a-a-y-y C-O-O-L, na kadalasan ay hindi naman talaga, nagpupumilit lang. Maaari din naman na sila yung mga tandercats na may mental age ng isang 15-yr old. Ito ang isang proof na may mga taong walang pinagkatandaan, at ang emotional at mental age ng tao ay iba-iba sa biological age.

Ang isa pang tanong, gaano ka-boylet ang kaya mo, kung baga sa low-waist pants, how low can you go? Basta siguraduhin na above 18 ang boylet, kundi, sa kalaboso ang bagsak mo, statutory rape yon, kung di mo alam. 3 years? 4, 5, 6? Depende naman talaga sa iyo yan. Pero isipin mo lang na kung 9 years ang gap nyo, aba ineng, nung pinanganak sya ay may monthly period ka na! Hindi ba kapangi-pangilabot yon? Pero kung kaya mo, o 'carry' mo, ika nga ng aking mga baklakekok na kaibigan, eh di sige, magpakadalubhasa sa pangangarir ng mga boylet. I-career! At bakit hindi? Ilan pa lamang ang may MA at PhD degree sa Boylet Affairs Management.

Pero bakit nga ba natin kailangan ng mga boylet? Sabi ng isang kaibigan, gusto nyang ma-re-affirm na sya ay may asim pa. Suggestion ko lang, pwede naman litmus test na lang for acidity ang gamitin, di ba? Yung iba naman, pantawid-gutom daw. Ano ang akala nila sa mga boylet, mini-cup na pansit canton? Yung iba naman, just so they'll feel alive again daw, to feel young, fresh and to get their groove back. Aside from botox treatment, napakadami pang mga services ni Dra. Vicky ang pwede para magmukha at maging feeling young.

Pasalamat tayo at nandyan sila - para magbigay ng kasiyahan, company, aliw, o kung ano pa man. Sa dami ng mga benefits na dinadala ng mga boylets na ito sa ating buhay, gusto ko lang magbigay ng pugay sa kanila. Mabuhay ang mga boylet, dakila kayo! Go forth and multiply!

---

hehehe. para kay boylet1, boylet2, boylet3, boylet4, boylet5, tandercat1, tandercat2, mabuhay kayo! buti na lang hindi lahat sa inyo magkakakilala at kung magkakilala man kayo buti na lang na hindi nyo alam na sya na pala yun...

No comments:

Post a Comment